“Bawal ba maging MASAYA?”

“Buhay sa mundo’y sadyang Mapanlinlang,

bubusugin ka sa mga problema,

sulirani’t alinlangan…

Upang ikaw ay mailihis sa iyong pinaniniwalaan,     na andiyan ang Panginoong nagbubuhos ng biyaya’t katugunan sa iyong mga pangangailangan!”

benj aleng

 

This is not just a “Look at the bright side” type of thing, kundi ang ma-realize mo na kailangan mo ring magpahinga sa pag-iisip ng mga problema.  Nauubos ang oras mo sa pag-iisip ng solusyon upang malutas ito, maganda naman sana kaya lang, kapag ang problema ay may kalakip ng mga ibang tao o ibang mga bagay na lampas na sa iyong kakayahan upang masolusyonan, aba ay magpahinga ka naman.

“You can only do so much!”  The best you can do is PRAY!”

Kung ito a tungkol sa ibang tao (relasyon, pakikipag-kapwa o utang man iyan), nagkausap na kayo pero hindi naging kaaya-aya sa iyong pandinig ang kanyang naging kasagutan, kahit anong pilit mo, ang kanyang gusto kanyang ipinagpipilitan, mas masama pa rito, ikaw ay dineadma lang, aba ay itigil mo na iyan.

Mas maraming magagandang bagay sa iyong kapaligiran, ang iyong asawa na laging maasahan, mga anak na nagdudulot ng kasiyahan, at higit sa lahat, ang mga pagpapala ng Panginoon na bumubuhos sa iyong harapan.   Andiyan sila lahat, ang kailangan lang ay iyong pansinin at tignan.  Mata mo ay sa kanila ituon, yung mga problema, pasulyap-sulyap ka na lang don.

Magsaya, maglibang, ang mas masarap…

MAGBILANG… peso o dollar man iyan!

 

 

Advertisements

Ilang Pasko na ba?

Ilang Pasko na ba ang aming pinagsamahan, para sa taong ito ay pangdalawampu’t lima na.  Laging dasal tuwing Pasko at sa bawat araw na nagdaan, anak na malusog, kami sana ay pagkalooban.  Aming natatanggap ay laging kabiguan, pero patuloy na umaasa, dumadalangin at nananawagan.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, lalong tumatag ang aming pagsasamahan, pag-ibig na dapat sana sa anak ay ang isa’t isa ang pinagkakalooban.  Biyayang inaasam-asam di man namin makamtan, dakilang Panginoon ay lagi pa ring pasasalamatan!

 

Hindi po ito paglalabas ng hinaing o sama ng loob, bagkus ay pagpapamalas ng katatagan!

 

Sa aking si ALENG… pagmamahal na walang hangganan!

Anyaaareee… kaibigan?

“Huwag husgahan…

subok pa lang naman!”

Sa mundo ng “internet”, panahon ng so-called melenials, napakaraming kaalamang bago o luma man ang madaling makuha at matutunan.

Napansin ko lang, mayroong mga site na nagtuturo ng mga bagong kaalaman na taliwas naman sa pananampalataya at pagmamahal sa kapwa.  Pinapalaganap nito ang “junk mentality”, “love yourself” na hindi naman masasabing mali pero parang nababale-wala ang pagkalinga sa kapwa at pakikipag-kapwa.  Kapag nakuha nila ang iyong atensiyon at napaniwala, nalulubog ka na diyan, isisipin mong ang kanilang mga sinasabi, sa iyong sarili ay akmang-akma.  “Ito nga ako, ganito ako!” sasabihin mo pa.  Hindi mo napapansin nalulubog ka na sa kanilang sistema, isang kaisipang akala mo’y nagpapatalino sa iyo pero hindi pala.

Sa daigdig ng “Hugot” parang bawal maging masaya!  Walang forever, wika pa nila, lahat ay pangsamantala, hindi rin lang magtatagal kaya kalimutan mo na.  Para sa kanila, ang kapwa ang mali, ikaw na lang palagi ang api, ikaw na lang palagi ang kinakaligtaan, ikaw na lang palagi ang napapabayaan.  Lumiliit ang tingin mo sa iyong sarili at ito ay nagsasadlak sa iyo sa lubhang kalungkutan.

 

“Huwag kang umasa para di ka masaktan!” hindi ka nga nasaktan, hindi ka naman kailanman nakalasap ng kaligayahan.

Lasong katalinuhan ang nakuha mo at nakamtan, tuwing ibubuka mo ang iyong bibig, pawang hugot ang lumalabas diyan, ganyan ka na ba talaga kaapi, inabot mo ba ay sobra ng kamalasan?  Hindi na ba ikaw ang anak na minahal ng lubusan, ang kaibigang lubhang kinagiliwan?  Anyaaaaree kaibigan?

Subok pa lamang ito kaya’t pagpasensiyahan, maaring mali ako, pero puwedeng tama rin naman!